Department of EducationSchools Division Office of Nueva Ecija
SDO-NE LearnHubDiscover β€’ Read β€’ Learn
Explore learning resources

Find something interesting
to learn.

Search all resources, or narrow the list by subject, grade level, resource type, and file format.

5 learning resources

Up to 10 resources per page
Storybooks MAS MASAYA PA RIN SA PAARALAN πŸ“˜ MAPEH πŸŽ“ Grade 2, Grade 3, Grade 4, Grade 5, Grade 6 Naranasan mo na bang mag-aaral at makinig sa iyong guro nang ikaw ay nasa inyong bahay? Halina at basahin ang maikling kuwento na ito. Ating tulasin ang suliranin ni Mac-Mac, isang batang mahilig magaral. 31.8 MB FIL View Resource Storybooks Norman's New Normal πŸ“˜ MAPEH πŸŽ“ Grade 1, Grade 2, Grade 3, Grade 4, Grade 5, Grade 6 This is a story of a typical learner who experienced abrupt changes to his environment. These changes brought adjustments to his studies and lifestyles. The story tells us on how we are going to take care of ourselves against invisible "intruders". Let us read the storybook and find out some ways on how to adapt to these changes. 12.5 MB EN View Resource Storybooks May Anino πŸ“˜ Science πŸŽ“ Kindergarten " Isang maulang gabi, biglang nagising si Bino dahil sa malakas na kulog at kidlat. Naisip niyang silipin sa bintana kung saan ito tumama nang biglang may napansin siya. May nakita si Bino, itim ang kulay nito. Ang wika niya, ""May anino!"" Agad nagtalukbong si Bino sa takot dahil may napansin siya sa anino, hugis tao ito na may hawak na matulis na bagay. Lalong natakot si Bino. Kinabukasan, sa paglalakad ni Bino papasok sa paaralan ay may nakita na naman si Bino na nakasandal sa pader ng kanilang kapitbahay. Pamilyar ito sa kanya at parang nakita na niya. Bigla niyang naalala, kagabi ito ang hawak ng anino na nakita niya. Natakot na naman si Bino at kumaripas ng takbo dahil baka nasa paligid lang ang anino. Nang gabing iyon, naisip ni Bino na silipin muli ang anino na nakita niya sa kapitbahay. Pagsilip niya, hindi na takot ang naramdaman ni Bino, siya ay biglang nalumbay. Nakita niya kung ano talaga ang anino. Ito pala ay isang taoβ€”si Lolo Tino, ang kapitbahay ni Bino. Nakasuot siya ng dilaw na kapote at may hawak na piko. Bumabaha pala sa loob ng bahay ni Lolo Tino kapag maulan kahit walang bagyo. Ginagamit pala ni Lolo Tino ang kanyang piko para gumawa ng daanan ng tubig palabas sa estero. Naalala ni Bino ang bilin ng guro: ""Tawagan ang Barangay DRRM kapag may peligro.β€œ Agad silang tinawagan ni Bino, ""Tulong po, baha po sa bahay ni Lolo Tino."" Dumating agad ang BDRRM at napansin na kaya pala baha sa bahay ni Lolo Tino ay hindi umaagos ang estero. Puno kasi ng basura kaya ito ay naging barado. Kaya agad nilang nilinis ito at umagos na ang tubig palabas sa bahay ni Lolo Tino. Masayang nagpasalamat si Lolo Tino sa ating munting bayani. Hindi napigilan ni Bino na mapaluha ngunit siya pa rin ay ngumiti. Masayang bumalik sa higaan si Bino. Alam niyang ligtas na si Lolo Tino. Hindi na rin siya takot kahit may anino." 5.8 MB EN View Resource Storybooks KARITELA πŸ“˜ Araling Panlipunan πŸŽ“ Kindergarten β€œTiktilaok, tiktilaok, tiktilaok,” ang tunog na madalas na naririnig ni Bong sa kanilang tahanan. Kasabay ng tunog na ito ay ang kakaibang niyang nararamdaman na wari mo’y naglalakad ang kanilang tahanan. Si Bong ay palaging nagtataka kung bakit araw-araw ay nag-iiba ang tanawin sa paligid ng kanilang tahanan. Nalaman niya mula sa kanyang tatay ang kanilang bahay pala ay isang karitela- ito ay isang kubo na may gulong na hinihila ng kalabaw, ginagamit ng kanyang amang magsasaka sa pagkuha at paghakot ng mga aning gulay o palay. Naging mahalaga ang natatanging bahay nila nang tumama ang isang malakas na bagyo, dahil lumutang ito at nagsilbing pansagip na sasakyan upang ilikas ang mga kapitbahay. Matapos ang unos, ginamit muli ang kanilang karitela upang maghatid ng tulong sa mga naapektuhan, patunay ng malakas na bayanihan sa kanilang komunidad. Dahil sa kabayanihan ng kanilang pamilya, binigyan sila ng lupang matitirhan, at sa pagdiriwang ng Kariton Festival, ipinakita ng buong bayan ang pagpapahalaga sa masaganang ani at tradisyong kinakatawan ng kanilang karitela, simbolo ng sipag, pag-asa, at bagong simula para kay Bong at sa kanyang pamilya. 15.1 MB EN View Resource Storybooks Sorpresa πŸ“˜ Edukasyon sa Pagpapakatao πŸŽ“ Kindergarten "Sina Moymoy at Maymay ay dalawang magkaibigang unggoy. Papalapit na ang kaarawan ni Maymay kaya nais ni Moymoy na bigyan siya ng espesyal na regaloβ€”maraming sariwang saging, ang paborito ng kaibigan. Naglakbay si Moymoy upang makahanap ng saging at nakilala niya ang iba’t ibang hayop na tumulong sa kanya. Ngunit sa kabila ng kanilang tulong, karamihan sa nakuha niyang saging ay hilaw o bulok, kaya nahirapan siyang makahanap ng tamang regalo. Dahil papadilim na, napilitan si Moymoy na umuwi na lamang, dala ang iisa at nag-iisang maayos na saging. Nahihiyang inabot niya ito kay Maymay, ngunit tuwang-tuwa ang kaibigan at nagsabing ang pinakamahalaga ay ang alaala at pagmamahal ni Moymoy, hindi ang dami ng regalo. Pinaghati-hatian nila ang saging at masaya nilang ipinagdiwang ang kaarawan ni Maymay, puno ng pasasalamat at pagkakaibigan." 56.6 MB EN View Resource
SDO-NE LearnHub logo

About SDO-NE LearnHub

Discover β€’ Read β€’ Learn

SDO-NE LearnHub is a student-friendly learning resource repository for the Schools Division Office of Nueva Ecija.

LRMDS logoSchools Division Office of Nueva Ecija logo
Designed and developed by:Mike Ahren M. RancesProject Development Officer IILRMDSSDO Nueva Ecija