May Anino
" Isang maulang gabi, biglang nagising si Bino dahil sa malakas na kulog at kidlat. Naisip niyang silipin sa bintana kung saan ito tumama nang biglang may napansin siya. May nakita si Bino, itim ang kulay nito. Ang wika niya, ""May anino!""
Agad nagtalukbong si Bino sa takot dahil may napansin siya sa anino, hugis tao ito na may hawak na matulis na bagay.
Lalong natakot si Bino.
Kinabukasan, sa paglalakad ni Bino papasok sa paaralan ay may nakita na naman si Bino na nakasandal sa pader ng kanilang kapitbahay. Pamilyar ito sa kanya at parang nakita na niya. Bigla niyang naalala, kagabi ito ang hawak ng anino na nakita niya.
Natakot na naman si Bino at kumaripas ng takbo dahil baka nasa paligid lang ang anino.
Nang gabing iyon, naisip ni Bino na silipin muli ang anino na nakita niya sa kapitbahay. Pagsilip niya, hindi na takot ang naramdaman ni Bino, siya ay biglang nalumbay. Nakita niya kung ano talaga ang anino. Ito pala ay isang tao—si Lolo Tino, ang kapitbahay ni Bino. Nakasuot siya ng dilaw na kapote at may hawak na piko. Bumabaha pala sa loob ng bahay ni Lolo Tino kapag maulan kahit walang bagyo. Ginagamit pala ni Lolo Tino ang kanyang piko para gumawa ng daanan ng tubig palabas sa estero.
Naalala ni Bino ang bilin ng guro: ""Tawagan ang Barangay DRRM kapag may peligro.“ Agad silang tinawagan ni Bino, ""Tulong po, baha po sa bahay ni Lolo Tino.""
Dumating agad ang BDRRM at napansin na kaya pala baha sa bahay ni Lolo Tino ay hindi umaagos ang estero. Puno kasi ng basura kaya ito ay naging barado. Kaya agad nilang nilinis ito at umagos na ang tubig palabas sa bahay ni Lolo Tino.
Masayang nagpasalamat si Lolo Tino sa ating munting bayani.
Hindi napigilan ni Bino na mapaluha ngunit siya pa rin ay ngumiti.
Masayang bumalik sa higaan si Bino.
Alam niyang ligtas na si Lolo Tino.
Hindi na rin siya takot kahit may anino."
About this resourceFile details and keywords
- Type
- Storybooks
- Format
- PDF Learning Resource
- Language
- English
- File size
- 5.8 MB
- License
- All Rights Reserved