Sorpresa
"Sina Moymoy at Maymay ay dalawang magkaibigang unggoy. Papalapit na ang kaarawan ni Maymay kaya nais ni Moymoy na bigyan siya ng espesyal na regalo—maraming sariwang saging, ang paborito ng kaibigan. Naglakbay si Moymoy upang makahanap ng saging at nakilala niya ang iba’t ibang hayop na tumulong sa kanya. Ngunit sa kabila ng kanilang tulong, karamihan sa nakuha niyang saging ay hilaw o bulok, kaya nahirapan siyang makahanap ng tamang regalo.
Dahil papadilim na, napilitan si Moymoy na umuwi na lamang, dala ang iisa at nag-iisang maayos na saging. Nahihiyang inabot niya ito kay Maymay, ngunit tuwang-tuwa ang kaibigan at nagsabing ang pinakamahalaga ay ang alaala at pagmamahal ni Moymoy, hindi ang dami ng regalo. Pinaghati-hatian nila ang saging at masaya nilang ipinagdiwang ang kaarawan ni Maymay, puno ng pasasalamat at pagkakaibigan."
About this resourceFile details and keywords
- Type
- Storybooks
- Format
- PDF Learning Resource
- Language
- English
- File size
- 56.6 MB
- License
- All Rights Reserved