May be an image of text

Ginunita at ipinagdiwang ang ika-125 taon ng paglilingkod ng Dibisyon ng Nueva Ecija sa pamamagitan ng isang programang pinamagatang “Isandaan at Pilak”, na pinangunahan ng mahal na Schools Division Superintent, Dr. Ericson S. Sabacan at pinaunlakan ng Ama ng lalawigan, Hon. Aurelio “Oyie” M. Umali.

Tampok sa pagdiriwang na ito ang pagkilala at pagbibigay parangal sa mga natatanging Novo Ecijanong nanguna at kasalukuyang nangunguna sa SDO Nueva Ecija. Hindi lamang ang mga umupong Schools Division Superintendent at Assistant Schools Division Superintendent na mula sa ating lalawigan ang binigyang parangal kundi pati narin ang mga lingkod ng Kagawaran ng Edukasyon sa dibisyon na may 25 taon na sa serbisyo.

Bilang bahagi ng selebrasyon at panimula sa National Teachers’ Month, isinagawa ang isang masiglang patimpalak na tinawag na “Dance Revolution” o Sayaw ng Iba’t Ibang Panahon. Sa patimpalak na ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga guro at kawani ng Kagawaran ng Edukasyon na ipamalas ang kanilang talento sa pagsasayaw sa pamamagitan ng mga awitin at sayaw mula sa iba’t ibang henerasyon.

Isang makasaysayang paglalakbay ng DepEd Schools Division Office of Nueva Ecija na itinaguyod ng dedikasyon, pagkakaisa, at malasakit sa edukasyon.

Mula sa ating pamana, patungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang Novo Ecijano.

Mabuhay ang 125 taon ng DepEd Nueva Ecija!
#DepEdNuevaEcija#125thAnniversary#125YearsOfExcellence#ParaSaBatangNovoEcijano