By Christian Jay P. Ordoña, Teacher I, Bongabon NHS
Ang Wika sa Gitna ng Pandemya
Habang ang buong mundo ay dumaranas ng krisis dahil sa pandemya,
kasabay naman nito ang pag-unlad ng ating sariling wika. Nagkaroon
ng mas maraming panahon ang bawat isa sa atin na gamitin ang
sariling wika sa pakikipag-ugnayan. Ito ay marahil nalimitahan ang
mga taong kausap natin. Sa elektronikong pakikipag-ugnayan naman
ay mas nagagamit natin ang ating sariling wika. Naging madali sa atin
ang komunikasyon sapagkat hindi tayo nalimitahan. Mas madaling
maipaabot ang iba’t ibang paraan ng pagtulong sa pagbibigay ng
instruksyon sa mga tao gamit ang ating wika.
Sa usaping pagbibigay ng impormasyon at instruksyon para sa mga tao
upang makaiwas na mahawahan ng COVID-19, mas madali itong
naipabatid sa pamamagitan ng ating wika. Bawat barangay ay patuloy
sa pagbibigay ng paalala sa kasagsagan ng pagdami ng nadapuan ng
virus at madali itong naunawaan ng mga tao dahil din sa ating wika.
Sa panonood ng telebisyon ay nakapokus ang mga tao sa mga
impormasyon kaya madali nila itong nasusubaybayan at nalalaman
ang kalagayan ng ating bansa. Sa panahon din ng pandemya ay lalong
naging bukas sa lahat ang mga isyu ng ating lipunan.
Ang Social Media at Saysay ng Wika sa Gitna ng Pandemya
Karamihan sa mga tao sa mundo ay pamilyar sa social media. Marami
sa atin ay may kani-kaniyang account sa iba’t ibang aplikasyon sa
social media. Ito ay naging daan para sa lahat upang makaugnay tayo
sa kung ano ang kalagayan ng ating lipunan. Nagiging daan din ang
social media upang ang tao ay makapagbigay ng suhestiyon at opinyon
sa isang partikular na isyu o argumento. Mas madali tayong
makipagpalitan o sumagot sa bawat argumento. Sa pamamagitan din
nito ay mas nahahasa ang ating isip at lumalawak ang ating pang-
unawa sa ating lipunang kinabibilangan. Malaki ang bahagi ng ating
sariling wika rito upang maabot ng ating pang-unawa ang mga opinyon
at argumento hinggil sa isang partikular na isyu. Ang social media rin
ang naging daan upang mas mabilis na mailahad at maipabatid ang
mga tuntuning dapat gawin habang tayo ay dumaranas ng krisis dahil
sa pandemya. Nakikita natin ang tunay na kalagayan ng iba’t ibang tao
sa iba’t ibang sitwasyon habang tayo ay pinag-iingat ng gobyerno upang
mapabilang sa mga taong tatamaan ng sakit o virus. Ang social media
ay naging daan upang mas maipaunawa sa mga tao ang kahalagahan
ng pagsunod sa protocol ng gobyerno upang mapabilis at makaiwas sa
COVID-19. Mas madali itong naunawaan ng mga tao sapagkat ang
wikang ginamit ay ang ating wika upang lahat ay makaugnay at
makaunawa.
Ang Wika sa Usaping Politika sa Gitna ng Pandemya
Tayo ay kasalukuyan pa ring tinatahak ang hamon ng pandemya. Sa
kabilang banda, ay lumuluwag na ang kilos ng mga tao dahil
nalimitahan dahil sa COVID-19 kaya masasabi nating kayang-kaya
nating malamapasan ito kung patuloy tayong makikipagtulungan sa
programa ng gobyerno para sa pag-iwas dito.
Ang pandemya ay naging daan rin upang makita natin kung sino sa
mga nakaupo sa taas ang may malasakit sa ating mga kababayan.
Naging bukas ang mga tao sa pagbibigay ng obserbasyon sa mga
namumuno. Mas madali nilang naipababatid ang kanilang mga hinaing
at dalahin gamit ang sariling wika.
Mas nagiging bukas at kasangkot tayo sa isyu ng ating bansa. Mas
madali nilang marinig at maunawaan ang ating mga hinaing. Kaya
naman sa panahon ng pandemya ay labis nating nagamit ang ating
sariling wika sa pakikipag-ugnayan.