Muli, isang paglalakbay ang naganap sa araw na ito. 6.5km walk at 20+ floors elevation (batay sa isang mobile app na ginamit para ma-monitor ang layo nito) patungo sa Pindangan ES, Gabaldon.
Isang malayong lakarin na sumubok sa katatagan ng bawat isa. Gayunpaman, para sa bata, hindi inalintana ang layo ng lakarin.
Sa pangunguna ni Mayor Jobby Emata, SDS Jessie Dancel-Ferrer, ASDS Ronilo Hilario, ASDS Mina Gracia Acosta, AO Orlando De Leon, PSDS Elizabeth Pinollar Sibayan, naging maayos at matagumpay ang gawain.
Salamat ATENEO DE MANILA, naririto na po ang silid aralan na magagamit ng ating mga mag-aaral. Salamat po Ma’am Johanna Natividad Gervacio sa inyong naging mahalagang gampanin upang maipagkaloob ito sa SDO Nueva Ecija.
At sa ating mga DRRM Coordinators, naihatid na po natin ang inyong mga kaloob na Bears of Joy at 2-way radio para sa SDO Gabaldon Annex.
Credit to: Mam Malu Gamino – PDO-I DRRM